Natasha & MSE Solid Service Center Promo

November 2013 to December 2014

 

1.       BENEFITS:

  • 2 pcs. 6 ft. x 2 ½ ft. single faced signage. 1 from Natasha. 1 from MSE
  • Php 25,000 renovation allowance
  • Php 30,000 interest free loan para sa initial investment, payable in 10 months
  • Php 20,000 priority area bonus. Puwede po tayo kumuha ng list sa branches. Puwede din po ipadala by e-mail ang list. Matatanggap po natin ang priority area bonus kung tayo ang unang service center sa isang municipality. Kung mayroon dating service center sa municipality pero nagsarado na, makakatanggap tayo ng priority area bonus kung magpatayo tayo dito.  Kung tayo po ang dating nagsarado ng service center, hindi po tayo makakatanggao ng priority area bonus. Matatanggap po natin ang priority area bonus kung bukas pa ang service center natin after 1 year
  • Hatid service po para sa ating mga service centers
  • 2 free tarpaulin banners for new products every catalog
  • 1 Netbook
  • Rental subsidy na Php 5,000 per month para sa cities, Php 3,000 para sa municipalities.

Matatanggap po natin ang rental subsidy sa bawat katapusan ng July at katapusan ng January para sa mga nakaraang 6 na buwan.  Halimbawa po, matatanggap natin ang rental subsidy na Php 30,000 (city) sa katapusan ng July para sa January 2011 hanggang June 201.

  • 90 days credit terms for 50% of credit limit or Php 300,000 per service center whichever is lower
  • Ang benefits po natin ay matatanggap 1 – 3 weeks after the approval date ng service center.

2.       REQUIREMENTS FOR NEW APPLICANTS:

  • Php 900,000 combined MSE and Natasha gross group sales in 3 consecutive calendar months. Kung maabot natin ang sales quota in less than 3 months qualified kaagad tayo.
  • Credit rating A
  • Upon qualification, dapat mayroon tayong uninterrupted Php 400,000 on time credit payments combined sa MSE and Natasha.  ( no hold, no bounced checks)
  • Maaari po tayong mag-apply sa Natasha o MSE branch natin.

3.       SPACE REQUIREMENTS:

  • The service center must be at least 10 sq. m. in floor area.
  • The service center must be in a commercial area na maraming dumadaan na tao. Dapat hindi po sa bahay natin.
  • Kailangan po sumunod tayo sa standard look ng service center na may glass frontage, vinyl o kaya ceramic tiles ang flooring, at wall paint na kulay Natasha green and MSE yellow. Ipaayos po natin kaagad ang ating service center para mai-release ang ibang benefits gaya ng loan, netbook at tarpaulins after the approval.
  • Dapat nasa pangalan ng Service Center qualifier ang contract of lease.
  • Kailangan pong ma-approve ng Natasha representative ang service center location.

4.       DISTANCE OF NEXT SERVICE CENTER:

  • Dapat more than 1km ang distance sa susunod na active solid service center. ( 1km rule )
  • Maaari pong ma-waive ang 1 km. rule kung nagdadala at may display po tayong non-Natasha and MSE products at services.  Only the selling of cell cards and internet cards, pay phone and photocopy services are allowed.

5.       APPROVAL & OPENING DATE:

  • Kapag na-approve po ang ating application, pipirma po tayo ng service center agreement, renewable in 3 years.  Kapag malapit na pong matapos ang ating contract at gusto nating ipagpatuloy ang pagiging solid service center, kailangan po nating i-renew anim (6) na buwan bago matapos ang 3 years.
  • Kailangan po na magbukas ang service center natin one month after the approval date.  Kung hindi po tayo magbubukas, ma-waived po ang 1km rule.

6.       CLOSURE OF SERVICE CENTER:

  • Kailangan po nating mag-fill out ng form kung isasara po natin ang ating service center. Matitigil na po ang lahat ng benefits at ibabawas sa rebates natin ang cost ng netbook.
  • Kung naging rating C po ang credit rating ninyo at isinara na ang service center, Matitigil na po ang lahat ng benefits at kailangang ibalik po ang signage at netbook.
  • Mayroon po tayong isang buwan na palugit para mabuksan po ulit ang ating service center. Otherwise, magiging open po ulit ang location para po doon sa iba nating qualified Members na gustong magbukas sa nasabing location.
  • Kailangan active po ang ating service center, para po maging active dapat may Php 1,000,000 average gross group sales per month in a year po tayo.

7.       SIGNAGE:

  • Installation po ng signage ay maximum of 3 weeks after the approval date ng service center.
  • Kailangan pong lighted ang signage natin ng 7:00 P.M. to 10:00 P.M. o hangga’t may tao po sa service center natin.
  • n case of closure, ibabalik po natin ang ating service center signage sa branch.  Hindi po natin pwedeng i-install sa ibang lugar na hindi approved ng branch natin.

8.       TRANSFER OF LOCATION:

  • Kailangan po nating magfill–out ng form sa Networking Counter, kung nais po nating i-transfer ang ating service center sa iba pong location.  Maaari po nating i-open ang bagong location after the approval date.

9.       STORE MAINTENANCE:

  • Kailangan po nating ipaayos o ipalinis ang signage every year.  Ang service center owner po ang magpapa-ayos at magpapalinis ng signage.
  • Kailangan pong laging malinis at maayos ang loob at labas ng ating service center.

10.   REQUIREMENTS SA SOLID SERVICE CENTER OPERATORS:

Minimum Average Gross Group Sales

  • Kailangan mayroon po tayong minimum na Php 1,000,000 MSE and Natasha average per month gross group sales sa nakaraang anim (6) na buwan para sa Solid Service Center.
  • Titingnan po natin sa katapusan ng bawat anim (6) na buwan kung naabot natin ang minimum average per month gross group sales.
  • Kung hindi natin naabot ang minimum average sales sa nakaraang anim (6) na buwan, hindi na natin matatanggap ang rental subsidy. Kung may isang (1) taon po tayong tuluy-tuloy na hindi umabot sa minimum average,  hindi na po talaga tayo magkakaroon ulit ng rental subsidy at ibabawas sa rebates natin ang cost ng netbook na payable in 6 months.
  • Kailangan Credit rating A or B tayo para magkaroon po tayo ng rental subsidy.
  • Natasha at MSE  products lang ang puwede sa  solid service center

Mas maganda po kung exclusive tayo sa Natasha at MSE pero hindi po natin pinipilit ang Members na gawin ito. Gusto lang po natin na exclusive ang service center na binibigyan natin ng suporta.  Kung gusto po natin ng solid service center benefits at maging active sa ibang direct selling company , maaari po nating ilagay sa ibang center ang products ng ibang direct selling company. Kailangan lang po hiwalay na puwesto. Hindi po puwede ang isang puwesto na hinati lang.

  • Kung may makita po na products, catalogue o kaya packaging ng ibang direct selling company  sa solid service center natin:
  • Matitigil na po ang lahat ng solid service center benefits para sa center na ito.
  • Hindi na po natin matatanggap ang rental subsidy para sa mga nakaraang buwan at matitigil na po ito.
  • Ibabawas sa rebates natin kaagad ang cost ng netbook.
  • Mababawasan po ng 30% ang credit line natin.

11.   PAANO PO NATIN MASISIGURO NA NATASHA AT MSE PRODUCTS LANG ANG NASA SERVICE CENTER ?

  • Magkakaroon po ng surprise visits sa mga solid service centers para po masigurado natin na Natasha at MSE products lang ang nandito.

12.   RENEWAL OF SOLID SERVICE CENTER FOR RENTAL SUBSIDY

  •  Sa mga magre-renew ng solid service center contract sa 2014, 1M gross group sales combined MSE and Natasha per service center na po ang kailangan natin e-maintain para magkaroon tayo ng rental subsidy.
  • Kailangan credit rating A tayo upon renewal of contract.